Saturday, January 15, 2011

Ano ba ang tocino sa buhay ni Mox?

Bakit nga ba ako naconvince na pangalanang Amazing Tocino 'tong blog ko?

Mahilig ako sa tocino. Since bata pa ako, kapag may tocino sa ref, nauubos ko kaagad. HEPHEP! Niluluto ko muna bago ko kainin. Ang 2 kilong tocino, tatagal lang ng ilang araw sakin. Minsan kaya ko ng isang araw. Biruin mo yon! Ang tocino sa bahay, tinatago na ng nanay ko. Minsan ref ng kapitbahay nilalagay para hindi ko makain. Pero madalas, hindi na talaga bumibili. Kaya nga, minsan sinisisi ko sa tocino kung bakit ako mataba chubby.

Lately, hindi na ako sobrang adik sa tocino. Natuto na akong kumain ng gulay at isda. Natutuwa na rin ako pag nakakakain ng pagkaing minsan ko lang makita. Pero, ang dahilan talaga kung bakit hindi na ako nagkakakain ng tocino; ay dahil sinusubukan kong magpapayat. Yes, sinusubukan lang.

Hindi ibig sabihin hindi na ako kakain ng tocino. That's just insane. Pero for sure, lalagyan ko na ng variety ang mga kinakain ko. Healthy man 'to o hindi. At ito ang inyong maaaring abangan sa Amazing Tocino! Booogsh!

Mox

3 comments:

  1. mahilig ka rin ba sa longganisa? may restaurant sa sm north na puro longganisa from different parts of the philippines :D

    ReplyDelete
  2. Mahilig din! Lalo na sa hubad :x What's the name of the restaurant? Mapuntahan nga! :) Booogsh!

    ReplyDelete