Ako si Mox

Ako si Mox. 20 years old. Malapit nang maging 21. Yes, magdedebut na ako. Estudyante parin na nagaaral ng iba't ibang numbers kahit ayaw ko ng numbers. Sana makapasa pa rin ako sa Board Exam. Artista rin ako, pero hindi ako lumalabas sa TV, hindi ako si Sadako. Entablado ang pangalawang tahanan ko, nasisiyahan ako magperform at magmanage ng performances. Fan ako ng art.

Hindi ako adik sa tocino; mahilig lang. Kaya kong ubusin ang isang pack ng tocino sa isang upuan lang. Nageenjoy akong almusal ang tocino. Minsan baon ko pa to until lunch. Paguwi, kahit may ulan na, nagpiprito pa rin ako ng tocino. Nangyayari lang 'to pag meron pa sa ref.

Mapagmahal akong tao. Marami akong mahal. Generous ako sa love ko. Wala lang nagmamahal sakin in return. yuck, emo.

Magaling daw ako manghilot, siguro sadyang pasmado lang ang mga palad ko. Maraming dahilan kung bakit napapsama ang kamay ng tao. Pero obvious na ang dahilan ko. :)

Hindi ko pa natry na sumakay ng bus tapos hindi ko alam kung saan pupunta. Itatry ko 'yon minsan nakaka-curious eh.