Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na 'yon nung nagbago ang pananaw ko sa kakayahan kong magdrive. Nakakagulat. Nakakatrauma.
Matagal ko nang gusto matuto magdrive; kahit na nerbyoso akong tao. Pinipilit ko non si Daddypara turuan ako, pero ayaw niya. Kaya tanong nalang ako nang tanong tuwing nagdadrive siya. Kung tutuusin, alam ko na lahat ng basic theories sa pagdadrive pero hindi parin ako marunong.
Hanggang isang araw, nagdesisyon akong harapin ang kinatatakutan ko. Kumuha na ako ng student's license para makapasok sa Driving School. Yes, maypagtamad ang tatay ko magturo kaya binigyan niya ako ng pang-enroll. And siguro, takot siya baka magasgasan ko ang kotse nya. Kaya todo effort ako sa pagpeprepare non. Manual kong kinuha lahat ng requirements! Pumunta ako ng BIR (Four times, Government eh - that's another story) para kumuha ng TIN. Tapos nagpahatid ako sa nearest LTO para ayusin ang Student's License. Excited Much!
July 2009 'yon nung makuha ko ang Student's Permit ko. Pagkagaling ko ng LTO, diretso na ako sa isang kilalang Driving School at kumuha ng Refresher course - feelingero akong marunong na ko magdrive at yun ung pinakamura (para may kickback). 5 hours akong magmamaneho! YAHOO!
I learned what I needed to learn in the first few hours. One hour a day ako nagmamaneho papuntang Makati from the School's office in Pasay City. Going smoothly lahat. Marunong na akong mag-manual driving! Hanggang noong last day, sabi ng teacher ko, pumunta daw kami sa Paranaque, iguiguide daw niya ako sa directions pero ako na bahala magdrive. Excited ako! YAHOO!!!
Dire-diretso akong nagdrive for 30minutes. Maulan 'yong hapong 'yon pero chill lang. Medyo traffic pero chill lang. Maraming tumatawid pero chill lang. Tapos, kumanan kami sa isang eskenita. Nagkukwentuhan pa kami ng Instructor ko nang bigla akong makarinig ng.... BOOOOOGSH!
Nakabangga ako - ng naka-park na sasakyan. Ang laki kong tanga. From a happy disposition, biglang naging Big Bad Wolf ang instructor ko at pinagalitan ako ng bonggang-bongga! Paulit-ulit! Nang mahimasmasan nagsorry siya at lumabas na siya ng kotse para kausapin ang may-ari.
Matabang lalaki ang mayari ng Starex na nabangga ko. 'Yun yung natandaan ko sa kanya kasi lumabas siya ng bahay niya na namumula sa galit habang nagmumura ang tiyan niyang napakalaki sa fitted niyang black t-shirt. Bondying pa siya maglakad papunta sa tabi ng sinasakyan ko. Tanginang tabachingching na yon o! Too make the long story short, napunta kami sa baranggay.
Accident ang nangyari pero pinipilit ni taba na kapabayaan ng instructor ko ang cause ng accident. May point naman si taba pero iniipit niya kami 'don. Pinagbabayad kami ng damages na Php 1000! Eh hindi naman yung kotse niya yung nasira! Nagasgasan nga lang yung kotse niya, sa ilalalim pa - kasi lumusot ung hood ng sasakyan ko sa ilalim ng likod nung sasakyan. Nagkaron ng pakiusapan hanggang sa bumaba ng Php 500 ang babayaran. Hindi covered ng insurance ng Driving School ang pangyayari kasi ayaw pagawan ni taba ng Police Report ang accident, kesyo mahabang proseso daw. May point naman siya. Kaya binayaran ng instructor ko - from his own wallet - ang bignutin na tabachingching na 'yon. And from the moment na sumalpok ang sasakyan sa Starex na nakaparada hanggang magkabayaran - wala akong nasabi. Tulala ako. Shocked. Traumatized.
On my way home, si kuya instructor na ang nagdrive. Tulala pa rin ako sa passenger seat. Sabi niya, normal daw 'yon sa nagaaral magmaneho. Tama siya. Pero nakakatrauma ang sigawan ka ng instructor mo ng ganon kagrabe. Doon ko naexperience ang real-life Mood Switch - from a jolly kuya na makwento into a scary monster na kumakain ng tao. Natrauma rin ako sa sarili kong katangahan. Ang tanga eh. Oo, tanga. Paulit-ulit.
Nang nakabalik na kami sa office, he advised me to extend my hours para mas matuto ako. I said yes. Sabi ko babalik ako the following day to pay for the extra hours and start right away. Pero....
Hanggang ngayon, hindi ko pa alam kung kailan ako magkakaron ng guts para magdrive ulit. Siguro maghihire nalang ako ng driver pag naging milyonaryo na ako or forever na akong magcocommute kahit preofessional na ako. Bahala na. Tsaka ko na iisipin kapag may sarili na akong kotse, for now, commute muna. Libutin ang buong Pilipinas na nagcocommute.
P.S. Marunong naman akong magdrive pero wala pa rin akong driver's license.Hindi dahil traumatized ako, pero dahil sadyang nakakatamad na.
Mox
OMG! Maaaarc! >:D< I don't know how to drive either! I wanna learrnnnnn :( =))
ReplyDelete