Saturday, January 15, 2011

The Beginning

"Gusto kong mag-blog!"

Ito ang naisip ko pagkagising ko kaninang umaga. Matagal ko na tong pinagiisipan pero ngayon, may lakas na ako ng loob para gumawa ng blog. Yes, makabagbag damdamin at tagos sa puso ang mga salitang yon nang bigkasin ko. Pero, pano ako magsisimula?

Hindi talaga ako writer, isa lang akong hamak na estudyanteng naghahanap ng mapagkakaabalahan (except sa thesis at ojt ko ngayong term) at magagawang libangan. Naisip kong magblog siguro kasi makwento akong tao, pero ngayong mapapalayo ako sa mga kaibigan ko (for a while - dahil sa ojt - naman), kayo nalang siguro kukwentohan ko. Sana nga may "kayo", kundi, loner ako. Baliw - nagsasalita magisa. 

"Pero saan nga ako magsisimula?"

Malamang, sa blog title! At dito na nagsimula ang matindi kong problema.

Nagising ako ng 10:30am. Nang maliwanagan na ako sa mundo, naisip ko ngan magblog (Oo, paulit-ulit!). Tapos nagisip na ako ng blog title! Tsaka na kung ano yung isusulat, basta ilalayout ko muna yung blog sabi ko sa sarili ko (Oo, may baliw tendencies talaga ako). Binuksan ko laptop ko. Kumonek sa internet. Binuksan ang Blogpot. At.... Nagisip. 

Ang dami kong naisip! Napaka-creative ko talaga! Minsan nga lang, sa sobrang pagka-creative, hindi ko na alam kugn kailan titigil at magsesettle na sa then best choice. Tumatawa ako magisa habang naglilista kung ano yung pwede gawing title (Oo, may baliw tendencies talaga ako - Paulit-ulit? Paulit-ulit?)

1. Maderpaker 
 Oo, weird. Pero ito yung una kong naisip. Hindi ko alam kung saan nanggaling. Baliw siguro ako. (Paulit-ulit? Fcuk). Hindi ko to pinili. Bad word. Baka mapunta ako sa hell.

2. Macky Trip
Macky kasi nickname ng nanay ko sakin pag nagpapabili siya ng kung anu-ano. Nagpapacute 'ba! Ever since bata ako, yan na tawag niya sakin. Ayaw ko naman. Kaya naisip kong gawing pen name  ko (yuck, feelingerong writer) for the blog. Ginawan ko na 'to ng google account. Sinimulan ko na yung blog. Pero I just stopped and felt hindi ito yung title ng blog ko. So, nagisip ako ng bago. PLUS, ang corny pala niya, ngayon ko lang narealize.

3. Trip ni Mox
Mox, yan ang nickname ko sa mga kasama ko sa teatro - sila ang nagbigay sakin ng nickname na yan. Dati, tinatawag nila ako gamit ang Last Name ko kasi may kapareho ako ng first name. 6 letters last name ko, pero as time goes by, paikli nang paikli ang tawag sakin! Hanggang the next thing I know, 3 letters nalang! Kaya naisip kong gawing Trip ni Mox kasi gusto kong magblog about my adventures and travels (yuck, feelingerong traveller). But then again, hindi ko nanaman tinuloy. Narealize ko na panget yung title, mas panget pa sa nauna kong choice. Downgrade. Tangina naman oh!

4. Krispy Pata
Habang nagiisip ng bago, napatitig ako sa hita kong napakataba. Oo, mataba ako pero tumaba ako lalo nitong bakasyon. Feeling ko, kahit loose fit na mga pantalon, magmumukhang skinny jeans sakin! Tapos, Eureka! Krispy Pata! Tuwang tuwa ako. May Blog Title na ako! Yahoo! Pero, hindi ko na tinuloy. Para ko na ring niyuyurakan ang sarili kong pagkatao tuwing mapopost ako sa blog na yun. Baka sa susunod, kaluluwa ko na ang mayurakan ko. Tinigil ko na yung kahibangang 'yon. Gusto kong pumunta sa heaven eh. 

Lumipas ang tanghali, wala pa rin akong maisip. Kumain na ako ng sandwich, wala pa rin. Bumili na ako ng itlog sa kanto, wala pa rin. Nakapag-facebook na ako, wala pa rin. Nagtanong na ako sa mga kaibigan ko, wala pa rin akong magustuhan. Naka-pupu na ako at lahat-lahat, wala pa rin. Nawawalan na ako ng loob.

Alas-2 na nag hapon. May ipapasa pa ako sa Boni para sa OJT ko. Tinawag na ako ng nanay ko para sa late lunch ko. Sigaw siya nang sigaw hangga't hindi pa ako nakakababa ng hagdanan. Umalingawngaw ang boses ng nanay ko habang pilit kong inaabot ang kalaliman ng utak ko, baka sakali may keyword don na magdedescribe sa buong buhay ko, or kahit isang major major part lang.

"Anak! Kumain ka na! Malalate ka sa pupuntahan mo!"

Naiinis na ako. Nanghihina. Nawawalan ng gana. Last chance ko na para magisip ng title ng blog kasi pagalis ko ng bahay, future ko na iisipin ko. Lugmok na lugmok ako habang bumababa ng hagdanan, naghahanap ng insipasyon para makaisip ng title ng blog. Hindi ko lubos maisip, ganito pala kahirap. Kasi hindi ko na pwede palitan ang title ng blog ko eh, unless gumawa ako ng bago at ilipat lahat ng posts ko - ayaw ko nga hassle. Hindi pa rin ako mapakali.

"Ubusin mo yan! Para hindi ka na gutumin sa daan."

Ang sweet talaga ng nanay ko. Tapos, nakita ko ang hinahanap ko. Ang ulam, tocino!

Amazing! Tocino! 'yon lang ang nasabi ko bago ko nilantakan ang lahat ng nakahain sa mesa.



Welcome to Amazing Tocino! :)




Mox

4 comments:

  1. HAHAHAHA! MOXTOX nga e. ahahahaha. anyway, nice blog name. nyahaha
    -Carlo

    ReplyDelete
  2. ayaw mo ng moxicitin? parang gamot lang! hahaha.

    ReplyDelete
  3. Congratulations! Hahaha! :) Following you! ;)

    ReplyDelete
  4. Pwede rin yung moxicitin! :)) Benta un ah!


    Mel!!! I hope hindi na ako magFAIL dito. Let's eat sometime! yuck, talagang food oh!

    ReplyDelete