Sunday, May 15, 2011

The Amazing Tocino Challenge!

Yes, you heard it right. Challenge.I now challenge my amateur cooking skills to greater heights. Ambitious kasi ako.


I will cook. You give the ingredients. Mala-Iron Chef! Here are the mechanics.



1. Sa comments section, write any ingredient (must be edible-ofcourse). It can be anything under the sun! Pero you must see to it na meron 'to sa Supermarket ah! 'Wag naman masyadong effort sa ingredients pa lang.

2. Randomly (through random.org), I will pick 3 ingredients na gagamitin ko. This draw will be at 12:01am of the 8th day since it was posted. Basically, a week after.

3. Then, gagamitin ko lahat ng ingredients na 'to, together with some basic ingredients (garlic etc.) to create a masterpiece! :)

4. Whatever the result, I will post it here as soon as makapagluto na ko! :)



 Clear? Kahit anong ingredient ah! Basta nakakain! :) Let the challenge begin...
Mox

Wednesday, April 20, 2011

Saturday, March 5, 2011

Peppered Tofu



Now, here's a simple and healthy snack recipe that can be done at home by anyone. 
The ingredients are:
  • Tofu Slices 
  • Flour
  • Crushed Black Peppercorns
  • Salt
    Steps
    1. Cut the tofu in desirable slices (about 1c to 2cm in thickness)
    2. Prepare the coating (Mix together equal parts of crush black peppercorns and flour then add a pinch of salt)
    3. Coat each slice of tofu generously
    4. Deep fry until golden brown
    5. Sprinkle Pepper on top, if desired.


    Yes, napaka-pormal. And yes, hindi ako ganon kagaling gumawa ng isang recipe. Kasi ako, hindi ako normally nagtatake down ng notes pag nagluluto. This time lang! Kasi madali lang eh. :) Next time, yung mas complicated na recipe na. 

    Pwedeng pwedeng snack 'tong Peppered Tofu na 'to. Madalas ko tong ginagawa para may makain ako habang nanunuod ng TV. Imbes na junkfood, itong tofu nalang para healthy! 

    Happy Eating!

    Mox

      Wednesday, February 2, 2011

      Inihaw na Tocino!

      Obvious naman sa title ng blog ko na mahilig ako sa tocino, diba? And it has been a while since nakakain ako ng tocino (at nakapag-post sa blog na 'to). Pero bigla akong nabuhayan ng makita ko 'to!

      Inihaw na tocino! WTF! Ang cool! 


      Nakita ko 'tong amazing tocino na to sa isang bbq stand sa intersection ng Magallanes street and Victoria street sa Intramuros, Manila. Para rin siyang bbq, kasi meat rin na nasa skewer. Iniihaw siya habang pinapahiran ng adobo oil. It takes a few minutes para maluto since small tocino pieces lang din 'to and nakahiga siya sa nagbabagang uling.




      And the verdict, MASARAP. :)) Although parang pritong tocino lang din 'to kasi adobo oil din naman ang pinapahid sa tocino, Natutuwa pa rin ako kasi kakaiba 'to! First time ko kasing nakita 'to eh! :) Php 15 lang isang stick, approximately 3 to 4 pieces ang isa. Ulam na ulam ang lasa, kanin nalang ang kulang, solved na!








      Mox

      Wednesday, January 26, 2011

      Food Trip - Sariling Kusina

      Mataba ako. Yes, I know.

      Isa sa mga dahilan ay ang hilig ko sa pagkain. I consider our kitchen at home as a sanctuary. Magiikot-ikot lang ako sa pantry, nakakaisip na ako agad ng pwedeng maluto. Healthy man o hindi, edible pa rin naman ang niluluto ko - nakakakaya kong kainin eh.

      Sa mga susunod na mga linggo, asahan ang Food Trip ko sa sariling kusina. Experiment. AYOS 'TO!


      Mox

      Tuesday, January 18, 2011

      Booogsh!

      Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na 'yon nung nagbago ang pananaw ko sa kakayahan kong magdrive. Nakakagulat. Nakakatrauma.

      Matagal ko nang gusto matuto magdrive; kahit na nerbyoso akong tao. Pinipilit ko non si Daddypara turuan ako, pero ayaw niya. Kaya tanong nalang ako nang tanong tuwing nagdadrive siya. Kung tutuusin, alam ko na lahat ng basic theories sa pagdadrive pero hindi parin ako marunong.

      Hanggang isang araw, nagdesisyon akong harapin ang kinatatakutan ko. Kumuha na ako ng student's license para makapasok sa Driving School. Yes, maypagtamad ang tatay ko magturo kaya binigyan niya ako ng pang-enroll. And siguro, takot siya baka magasgasan ko ang kotse nya. Kaya todo effort ako sa pagpeprepare non. Manual kong kinuha lahat ng requirements! Pumunta ako ng BIR (Four times, Government eh - that's another story) para kumuha ng TIN. Tapos nagpahatid ako sa nearest LTO para ayusin ang Student's License. Excited Much!

      July 2009 'yon nung makuha ko ang Student's Permit ko. Pagkagaling ko ng LTO, diretso na ako sa isang kilalang Driving School at kumuha ng Refresher course - feelingero akong marunong na ko magdrive at yun ung pinakamura (para may kickback). 5 hours akong magmamaneho! YAHOO! 

      I learned what I needed to learn in the first few hours. One hour a day ako nagmamaneho papuntang Makati from the School's office in Pasay City. Going smoothly lahat. Marunong na akong mag-manual driving! Hanggang noong last day, sabi ng teacher ko, pumunta daw kami sa Paranaque, iguiguide daw niya ako sa directions pero ako na bahala magdrive. Excited ako! YAHOO!!!

      Dire-diretso akong nagdrive for 30minutes. Maulan 'yong hapong 'yon pero chill lang. Medyo traffic pero chill lang. Maraming tumatawid pero chill lang. Tapos, kumanan kami sa isang eskenita. Nagkukwentuhan pa kami ng Instructor ko nang bigla akong makarinig ng.... BOOOOOGSH!

      Nakabangga ako - ng naka-park na sasakyan. Ang laki kong tanga. From a happy disposition, biglang naging Big Bad Wolf ang instructor ko at pinagalitan ako ng bonggang-bongga! Paulit-ulit! Nang mahimasmasan nagsorry siya at lumabas na siya ng kotse para kausapin ang may-ari.

      Matabang lalaki ang mayari ng Starex na nabangga ko. 'Yun yung natandaan ko sa kanya kasi lumabas siya ng bahay niya na namumula sa galit habang nagmumura ang tiyan niyang napakalaki sa fitted niyang black t-shirt. Bondying pa siya maglakad papunta sa tabi ng sinasakyan ko. Tanginang tabachingching na yon o! Too make the long story short, napunta kami sa baranggay.

      Accident ang nangyari pero pinipilit ni taba na kapabayaan ng instructor ko ang cause ng accident. May point naman si taba pero iniipit niya kami 'don. Pinagbabayad kami ng damages na Php 1000! Eh hindi naman yung kotse niya yung nasira! Nagasgasan nga lang yung kotse niya, sa ilalalim pa - kasi lumusot ung hood ng sasakyan ko sa ilalim ng likod nung sasakyan. Nagkaron ng pakiusapan hanggang sa bumaba ng Php 500 ang babayaran. Hindi covered ng insurance ng Driving School ang pangyayari kasi ayaw pagawan ni taba ng Police Report ang accident, kesyo mahabang proseso daw. May point naman siya. Kaya binayaran ng instructor ko - from his own wallet - ang bignutin na tabachingching na 'yon. And from the moment na sumalpok ang sasakyan sa Starex na nakaparada hanggang magkabayaran - wala akong nasabi. Tulala ako. Shocked. Traumatized. 

      On my way home, si kuya instructor na ang nagdrive. Tulala pa rin ako sa passenger seat. Sabi niya, normal daw 'yon sa nagaaral magmaneho. Tama siya. Pero nakakatrauma ang sigawan ka ng instructor mo ng ganon kagrabe. Doon ko naexperience ang real-life Mood Switch - from a jolly kuya na makwento into a scary monster na kumakain ng tao. Natrauma rin ako sa sarili kong katangahan. Ang tanga eh. Oo, tanga. Paulit-ulit. 

      Nang nakabalik na kami sa office, he advised me to extend my hours para mas matuto ako. I said yes. Sabi ko babalik ako the following day to pay for the extra hours and start right away. Pero....

      Hindi na ako bumalik.

      Hanggang ngayon, hindi ko pa alam kung kailan ako magkakaron ng guts para magdrive ulit. Siguro maghihire nalang ako ng driver pag naging milyonaryo na ako or forever na akong magcocommute kahit preofessional na ako. Bahala na. Tsaka ko na iisipin kapag may sarili na akong kotse, for now, commute muna. Libutin ang buong Pilipinas na nagcocommute. 


      P.S. Marunong naman akong magdrive pero wala pa rin akong driver's license.Hindi dahil traumatized ako, pero dahil sadyang nakakatamad na.


      Mox

      Sunday, January 16, 2011

      Jawbreaker!

      This is it!
       
      Jawbreaker Day 2 (September 2010)
      Nakapunta ako nung Second Jawbreaker Day sa Zark's Burger and it was great! Ang Three layer (juicy and delicious) burger patties PLUS 2 slices od Spam PLUS  Cheese PLUS Veggies PLUS Bacon! WTF! Heaven! And believe it or now, hindi ko 'to naubos. Hmmm. Okay, naubos ko naman pero nahirapan talaga ako ubusin. Totoo! Nahirapan talaga ako! Hmmm. Nahirapan ako ng konti. 

      People go to Zark's Burgers for their amazing burgers! There are a lots to choose from but their bestseller is - of course - the Jawbreaker for Php 250.00! There is a promo sa Zark's Burger na kung maubos mo ang Jawbreaker mo in 5 minutes - and this includes everything on the plate (burger, fries, etc.), it will be free! Mapopost pa ang picture mo sa Wall of Fame! There are amazing people na nakagawa nito, and I must say, hindi ko 'to kaya! HAHAHA. HEPHEP!!! This promo is only available during regular days and is not applicable during special occasions (e.g Jawbreaker Day)!
      Tempting?

      It's gonna be the third time na magkakaron ng Jawbreaker Day (Obvious naman, Day 3 nga eh). And tomorrow will be the day of reservation, trust me, by 3pm, ubos na ang slots! Last time, I paid Php 50.00 for the reservation and the remaining Php 100.00 was paid during the day of Judgement! Siguro, ganon ulit this time. I Promise, it's gonna be worth every peso na magagastos niyo! You can take my word for it!

      For more information regarding this Amazing Jawbreaker and this Amazing Place, you can visit them personally sa kanilang place  located infront of  De La Salle University - Manila. Just a few steps away from LRT Vito Cruz Station, the place is situated on the second floor of the building where Yellow Cab and Army Navy are located.You can also visit Zark's Burgers Facebook Page for their Menu and other great and fun stuff!

      So, Sinong game? Jawbreaker Day 3! Email me! Game Game Game!!! 

      Mox

      Korean Sushi

      This is a Korean Sushi. Yun lang tawag ko kasi Korean yung nagbigay and kasi sushi sya. 


      Kahapon, dapat may lakad ako together with some friends to watch a theatre play, pero since hindi natuloy, dumeretso nalang ako sa school. Nagaantay lang din ako ng mga ka-org na pwedeng mag-DOTA but instead, ito ang naabutan ko! 

      Nagkaron ng Korean visitors ang organization namin and they were holding auditions. I guess, naramdaman nilang maraming tao ang pupunta, nagdala na sila ng maraming maraming maraming pagkain. Kaboom! Korean Sushi! 

      Isang buong baonan ang naabutan ko sa room na pinuntahan ko. Apporximately, 80 peices din yun ng Korean Sushi. Sayang nga lang, walang wasabi and soy sauce. Pero pwede na! Libre eh! At ang pinakakinagulat ko, nagustuhan ko! Hindi ako mahilig sa sushi, pero this time, ang dami kong kinain.

      Nang dumating ang Korean Sushi
      After 15 minutes

      It had ham (ata), carrots, etc. Hindi ko talaga alam kung ano yung mga nakalagay, basta kinain ko nalang. Masarap eh! Hindi lang ako ang kumain. Hindi naman ako ganon katakaw. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ang difference ng Japanese Sushi and Korean Sushi. I'll get back to you on that, magreresearch muna ako.

      Sana mapadalas ang mga ganitong happenings. Masarap na, libre pa! Booooogsh!

      Mox

      Saturday, January 15, 2011

      Ano ba ang tocino sa buhay ni Mox?

      Bakit nga ba ako naconvince na pangalanang Amazing Tocino 'tong blog ko?

      Mahilig ako sa tocino. Since bata pa ako, kapag may tocino sa ref, nauubos ko kaagad. HEPHEP! Niluluto ko muna bago ko kainin. Ang 2 kilong tocino, tatagal lang ng ilang araw sakin. Minsan kaya ko ng isang araw. Biruin mo yon! Ang tocino sa bahay, tinatago na ng nanay ko. Minsan ref ng kapitbahay nilalagay para hindi ko makain. Pero madalas, hindi na talaga bumibili. Kaya nga, minsan sinisisi ko sa tocino kung bakit ako mataba chubby.

      Lately, hindi na ako sobrang adik sa tocino. Natuto na akong kumain ng gulay at isda. Natutuwa na rin ako pag nakakakain ng pagkaing minsan ko lang makita. Pero, ang dahilan talaga kung bakit hindi na ako nagkakakain ng tocino; ay dahil sinusubukan kong magpapayat. Yes, sinusubukan lang.

      Hindi ibig sabihin hindi na ako kakain ng tocino. That's just insane. Pero for sure, lalagyan ko na ng variety ang mga kinakain ko. Healthy man 'to o hindi. At ito ang inyong maaaring abangan sa Amazing Tocino! Booogsh!

      Mox

      Photo 365: Pass or Fail?

      Pangarap kong magkaron ng DSLR pero alam kong hanggat hindi pa ako gumagraduate at hindi pa ako makahanap ng trabahong malaki ang sahod, imposibleng magkaron ang DLSR. Pero kahit walang DLSR, sinubukan ko pa rin gumawa ng Project 365.

      Hindi imposibleng makumpleto ang Project 365; madali lang nga kung iisipin eh. Just take a simple picture a day that just simply encompasses your entire day. Isang kuha lang sana sa cellphone camera, chill na eh! Pero sa panahon ngayon na tipong lahat na ata ng tao eh may SLR - kung hindi man, may todo high end digital camera. Nakakahiya na lang sa mga makakakita kung maguupload ako ng galing sa isang camera phone. 

      Kung tutuusin, may laban pa 'ko kasi may 4.0MP akong digital camera, na niregalo ng tatay ko sakin nung 17th birthday ko ata. Tapos may N82 akong may 5MP! Malinaw at maganda ang mga kuha ko using these cameras. Pero nagkakita nanaman ako ng problema. 

      Hindi ako photographer. Alangan naman i-compose ko pa ang mga bagay bagay bago ko 'to kunan ng picture. Tsaka imagine, kukuha ako ng picture, let's say picture ng isang bata sa park. Kapag DSLR and gamit ko, iisipin ng mga tao "Wow! May photographer! Smile ka baby boy!" with matching pose pa kasama ang yaya! Pero... Kung yung N82 yung gamit ko, o 'di kaya kahit akong cellphone, iisipin nga mga nakakakita "Hoy! May nagpipicture sa bata! Kidnapper siguro yon! KUYUGIN!". Baka mabugbog pa ako ng de oras. Nakakatakot.

      Pero kahit ganito ang sitwasyon, sinubukan ko pa rin. 


      Day 01. (January 02, 2011) Simbahan
      Maganda 'tong shot na to. Nadaan lang sa konting edit, parang professional shot na.


      Day 02. (January 02, 2011) Christmas Lights.
      Chamba ata to.



      Day 03. (January 03, 2011) NBI Clearance
      Ito! kumuha ako ng NBI Clearance sa Victory Mall sa Monumento. Pagdating ko 'don, sakto! Sarado na! Kung suswertehin ka talaga oh! Pero naisip ko na ginagawa ko yung Project 365 kaya naghanap ako ng pwesto para makakuha ng picture. On the same floor, may abandoned side. Parang hindi pa talaga tapos gawin. Pumunta ako 'don tapossabay labas ng Digital Camera. Sa bawat try ko na kumuha ng picture, may lumilingon na guard! Alam kong hindi naman bawal, pero nahihiya ako eh. Yes, mahiyain ako. 

      Hanggang sa nagkalakas ako ng loob para gawin ang hindi ko normal na ginagawa, ang magpicture sa kawalan. Pasimple alng ako kumuha ng picture, tipong parang wala lang. Hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon, pero hiyang-hiya lang talaga ako. Nakailang shots din ako. Karamihan, out-of-focus. May iba, hindi ko maintindihan kung ano ang pinipicturan. Ito na ang pinaka maayos. After nito, ayaw ko na. Photo 365 is not for me. Booogsh!


      Nakakapagod din pala idokumento lahat ng nangyayari sa buhay. Parang lalo lang nagiging stressful, kasi kukuha ka pa ng picture para masabing may remembrance ka ng moment na yon. Tama na ang utak ko para magkaron ng remembrance. Bata pa ako, might as well pakinabangan ko muna ang sharp memory ko. Memo Plus Gold! Lamang ang may Good Memory! Yes! Advertisement!

      Ngayon, narealize ko, mas okay na lang na ikwento ko kaysa kumuha ng picture. Effort pa kasi magedit eh. But then, I'll give my posts variety. Minsan may photos, minsan kwento, minsan siguro, fiction. Para cool. 

      Mox

      The Beginning

      "Gusto kong mag-blog!"

      Ito ang naisip ko pagkagising ko kaninang umaga. Matagal ko na tong pinagiisipan pero ngayon, may lakas na ako ng loob para gumawa ng blog. Yes, makabagbag damdamin at tagos sa puso ang mga salitang yon nang bigkasin ko. Pero, pano ako magsisimula?

      Hindi talaga ako writer, isa lang akong hamak na estudyanteng naghahanap ng mapagkakaabalahan (except sa thesis at ojt ko ngayong term) at magagawang libangan. Naisip kong magblog siguro kasi makwento akong tao, pero ngayong mapapalayo ako sa mga kaibigan ko (for a while - dahil sa ojt - naman), kayo nalang siguro kukwentohan ko. Sana nga may "kayo", kundi, loner ako. Baliw - nagsasalita magisa. 

      "Pero saan nga ako magsisimula?"

      Malamang, sa blog title! At dito na nagsimula ang matindi kong problema.

      Nagising ako ng 10:30am. Nang maliwanagan na ako sa mundo, naisip ko ngan magblog (Oo, paulit-ulit!). Tapos nagisip na ako ng blog title! Tsaka na kung ano yung isusulat, basta ilalayout ko muna yung blog sabi ko sa sarili ko (Oo, may baliw tendencies talaga ako). Binuksan ko laptop ko. Kumonek sa internet. Binuksan ang Blogpot. At.... Nagisip. 

      Ang dami kong naisip! Napaka-creative ko talaga! Minsan nga lang, sa sobrang pagka-creative, hindi ko na alam kugn kailan titigil at magsesettle na sa then best choice. Tumatawa ako magisa habang naglilista kung ano yung pwede gawing title (Oo, may baliw tendencies talaga ako - Paulit-ulit? Paulit-ulit?)

      1. Maderpaker 
       Oo, weird. Pero ito yung una kong naisip. Hindi ko alam kung saan nanggaling. Baliw siguro ako. (Paulit-ulit? Fcuk). Hindi ko to pinili. Bad word. Baka mapunta ako sa hell.

      2. Macky Trip
      Macky kasi nickname ng nanay ko sakin pag nagpapabili siya ng kung anu-ano. Nagpapacute 'ba! Ever since bata ako, yan na tawag niya sakin. Ayaw ko naman. Kaya naisip kong gawing pen name  ko (yuck, feelingerong writer) for the blog. Ginawan ko na 'to ng google account. Sinimulan ko na yung blog. Pero I just stopped and felt hindi ito yung title ng blog ko. So, nagisip ako ng bago. PLUS, ang corny pala niya, ngayon ko lang narealize.

      3. Trip ni Mox
      Mox, yan ang nickname ko sa mga kasama ko sa teatro - sila ang nagbigay sakin ng nickname na yan. Dati, tinatawag nila ako gamit ang Last Name ko kasi may kapareho ako ng first name. 6 letters last name ko, pero as time goes by, paikli nang paikli ang tawag sakin! Hanggang the next thing I know, 3 letters nalang! Kaya naisip kong gawing Trip ni Mox kasi gusto kong magblog about my adventures and travels (yuck, feelingerong traveller). But then again, hindi ko nanaman tinuloy. Narealize ko na panget yung title, mas panget pa sa nauna kong choice. Downgrade. Tangina naman oh!

      4. Krispy Pata
      Habang nagiisip ng bago, napatitig ako sa hita kong napakataba. Oo, mataba ako pero tumaba ako lalo nitong bakasyon. Feeling ko, kahit loose fit na mga pantalon, magmumukhang skinny jeans sakin! Tapos, Eureka! Krispy Pata! Tuwang tuwa ako. May Blog Title na ako! Yahoo! Pero, hindi ko na tinuloy. Para ko na ring niyuyurakan ang sarili kong pagkatao tuwing mapopost ako sa blog na yun. Baka sa susunod, kaluluwa ko na ang mayurakan ko. Tinigil ko na yung kahibangang 'yon. Gusto kong pumunta sa heaven eh. 

      Lumipas ang tanghali, wala pa rin akong maisip. Kumain na ako ng sandwich, wala pa rin. Bumili na ako ng itlog sa kanto, wala pa rin. Nakapag-facebook na ako, wala pa rin. Nagtanong na ako sa mga kaibigan ko, wala pa rin akong magustuhan. Naka-pupu na ako at lahat-lahat, wala pa rin. Nawawalan na ako ng loob.

      Alas-2 na nag hapon. May ipapasa pa ako sa Boni para sa OJT ko. Tinawag na ako ng nanay ko para sa late lunch ko. Sigaw siya nang sigaw hangga't hindi pa ako nakakababa ng hagdanan. Umalingawngaw ang boses ng nanay ko habang pilit kong inaabot ang kalaliman ng utak ko, baka sakali may keyword don na magdedescribe sa buong buhay ko, or kahit isang major major part lang.

      "Anak! Kumain ka na! Malalate ka sa pupuntahan mo!"

      Naiinis na ako. Nanghihina. Nawawalan ng gana. Last chance ko na para magisip ng title ng blog kasi pagalis ko ng bahay, future ko na iisipin ko. Lugmok na lugmok ako habang bumababa ng hagdanan, naghahanap ng insipasyon para makaisip ng title ng blog. Hindi ko lubos maisip, ganito pala kahirap. Kasi hindi ko na pwede palitan ang title ng blog ko eh, unless gumawa ako ng bago at ilipat lahat ng posts ko - ayaw ko nga hassle. Hindi pa rin ako mapakali.

      "Ubusin mo yan! Para hindi ka na gutumin sa daan."

      Ang sweet talaga ng nanay ko. Tapos, nakita ko ang hinahanap ko. Ang ulam, tocino!

      Amazing! Tocino! 'yon lang ang nasabi ko bago ko nilantakan ang lahat ng nakahain sa mesa.



      Welcome to Amazing Tocino! :)




      Mox